Ang Taong Tumulong sa Akin

     Hello kamusta kayo ang again welcome sa aking blog, ngayon meron akong gustong ishashare sa iyo tungkol sa aking mga nararanasan specifically ang tungkol sa isang tao na tumulong sa akin. Siya ay isang tao na gusto ibabahagi  sa iyo lahat dahil siya ang taong nagbigay ng pagbabago sa aking buhay. Isang masayang pagbabago.


    Ang pangalan niya ay si Machousla Mae L. Secuya, o pwede niyo rin tawagin sa nickname na Maki. Siya ang isang babae, matangkad, mabait, matalino, malikhain, maganda at iba pa. So, kung magtatanong kayo ng, si Maki ba ang taong hindi mo makalimutan? Anong nagawa niya para sa iyo? Anong pagbabago ang ginawa niya sa buhay mo? Maganda ba siyang kapwa o kaibigan? 



        Ito yung picture namin noon nagraduation kami sa elementary, siya yung nasa kaliwang bahagi.


    Una, oo hindi ko siya makalimutan kasi matalik kaibigan ko siya. Dalawa, maraming siya nagawa sa para sa akin. Nung bata pa ako sa first day of nursery ko, ako ay isang bata na gusto magkaroon ng isang kaibigan. Ang unang taong pumunta sa akin at ang unang kaibigan ko noon nursery ay si Maki. Tinulong niya ako sa maraming bagay, sa mga homework ko, tinuruan niya ako sa mga tama at mali, tinuruan niya ako kung paano maging isang mabuting tao noon panahong yun. Kahit ngayon eh, tinulungan pa rin niya ako sa homework, sinasama niya ako papuntang canteen, tinuruan niya akong magdrawing, nagdradrawing din siya para sa akin, bumibigay ng payo si Maki sa mga nagawa kong kamalian. Siya talaga ang taong bumago ng akin buhay na kung wala siya, baka wala nga akong kaibigan noon. Talagang magandang siyang kapwa at kaibigan sa buhay ko.


    Kaya para sa akin, ang taong ito ay hindi ko makakalimutan at hindi ko rin makalimutan ang mga ginawa niya para sa akin at sa buhay ko. Kasi kapag wala akong kaibigan na katulad niya, mapuputa lang ako sa mga kaibigan na peke. Kaya mahal ko si Maki with all my heart at talagang gusto ako bumawi para sa kanya at bibigyan ko siya ng pagpapahalaga sa aking buhay. 

Comments

Popular Posts