Isang liham tungkol sa karapatang pantao

 

Dear mga pamayanan,


    Ako po si Lyzel Kate Gabaca at isinusulat ko ito dahil gusto kong pag-usapan ang tungkol sa problema sa karapatang pantao. Alam naman ng mga karamihang tao na ang karapatang pantao ay isang mahalagang bahay at nagkaroon tayo ng batas dahil dito pero meron pa din mga taong gumagawa ng kasamaan sa mundo natin. Itong sasabihin ko para sa lahat ay importante dahil ito ay nakakaapekto sa pamumuhay ng ibang mga tao sa ating mundo. Ito ay nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao kasi kahit na may ibang mga tutunin, may ibang tao sa mundo natin na hindi marunong umawa at magrespeto sa ibang tao. 


     Bilang isang tao, gusto ko sana na maririnig ito sa mga pamamayan sa mundo, gusto ko magkalat ng mga pagkabatid sa mga tao tungkol dito. May ibang mga tao lalo yung nasa LGBTQ na patuloy nadidiskrimina dahil sa pagiging kung sino sila ay dahil sa kanilang sekwalidad kahit ang kanilang sariling magulang ang nagdidiskrima. Meron din mga tao na may kapansanan na patuloy din nadidiskrima sa ating lipunan at ang pisikal na anyo ng tao at ang relihiyon ng isang tao ay dinidiskrima din. 


    Ito ay tila normal sa karamihan sa lipunan ngayon mga panahon na ito sa pamamagitan ng panunukso at pambu-bully lalo na sa bansa natin sa Pilipinas. Dahil dito, may maraming tao na tumatago nalang kung sino sila upang umangkop sa mga pamamatayan kahit hindi nila talaga gusto itong mangyayari. Bilang isang mamamayan, ito ko ito matatangap. Naawa ako sa kanila dahil dito at hindi ito mararapat sa kanila.


    Kaya para maging patas lang, gusto kong magmungkahi ng ilang bagay na maaaring makatulong sa sitwasyon na ito. Una, ikalat natin ang pagkabatid tungkol sa sitwasyon ito at iparinig at ipaunawa sa lahat ang tungkol sa sitwasyon na ito. Ikalawa, mas maganda sana kung mag batas tungkol sa pagdidiskrimina tungkol sa sitwasyon ito at dapat may kaparusahan, kahit na kung sariling magulang ang nagsasabi ito. Dapat may karapatan sila mag-ulat tungkol sa kanilang sitwasyon. At ikatlo, tigilan na natin ang gumawa ng mga masamang bagay na naibanggit ko at kahit gusto mo naman o hinde, respetuhin mo nalang at mag-unawa. Itong mga sinabi ko ay makakatulong sa mga tumatago sa kanilang sarili at hindi na sila maging matakot tungkol dito at mas magiging maganda ang ating kinabukasan dito. Kaya kung kayo ay isang mabuting tao, sana ay tumulong din kayo sa mga taong nadidiskrimina kahit wala silang nagawang masama sa buhay.

 

Taos-puso sa iyo,

Lyzel Kate Gabaca

Comments

Popular Posts