Day-Off

    Kamusta kayo lahat and welcome sa aking blog! Ngayon tatalakayin ko ang tungkol sa day-off naginawa  ko sa vlog ko. Binigyan ko ng day-off yung nanay ko sa isang araw at ako ang gumagawa ng bagay na ginagawa niya sana sa araw na iyon. Anyways without further a do, ito yung video:






        

        Ok, so kung natapos ka na manonood, ito yung masasabi ko sa experiences at sa natutunan ko:




      Itong day-off na ito ay ginawa upang mabibigyan ng pagkakataon para makapahinga yung nanay ko sa lahat na ginawa niya sa bahay. Ginawa ko ito upang makakabawi sa lahat na ginawa niya para sa akin. Alam ko na hindi sapat ang ginawa ko upang makakabawi sa kanya, pero ito ang pinakamahusay na magawa ko ngayon. Kaya ginawa ko ito kahit na sa assignment din ito. 



        Yung aking naranasan dito ay hindi talaga madali maging isang nanay, palaging lumilinis, palaging lumuto ng pagkain, palaging nagtratrabaho, winawalis ang sahig, pinupunasan ang mga bintana, pinupunasan ang mga lamesa, inaayos ang mga bagay na nakakagulo, inaayos ang mga damit, maglalaba, at iba pa. Sa katunayan, nakakapagod talaga na palagi nalang niya ito ginagawa. Tas maari din na napapaso ka sa luto mo, may makakabungo ng bagay, masugatan sa mga matatalim na bagay, madudulas sa sahig, at iba pa. Kaya pagod talaga ako sa pagagawa ng lahat na iyon. 



    Naramdaman ko na ang pagod maging isang nanay, at naintindihan ko na kung bakit mabilis magiging stress yung nanay ko pagdating sa paglilinis, lalo na kapag meron bagay na marumi sa bahay. Ang paglilinis at pagluluto sa bahay ay hindi lang ito gawain lang na masasabi mo "Ay lumilinis lang yan ng bahay, tamad yan kasi." Kasi, ang paglilinis at pagluluto sa bahay ay hindi talagang ganun kadali gagawin, kaya ang masasabi ko dito ay, tayo ay magbigay ng kahalagahan sa ating mga pamilya, kasi ginawa nila ang mga ito para sa iyo. Mahalin natin sila kasi sila ang nagagabay sa ating buhay. 




 At yan lang ang aking blog, salamat sa pagbabasa at sa pagnonood!

Comments

Popular Posts