Corona Virus Disease || Impormasyon tungkol dito

    



    Ngayong panahon na ito, alam ko na ang karamihan sa atin ay alam kung ano ang corona virus disease. Ang corona virus o ang covid-19 ay nakaapekto sa atin nang mahusto. Ito ay ang dahilan sa pag-iiwas natin na mag harap-harapan lalo na ito ay isa sa mga posibilidad na makuha yung virus. Ang virus na ito ay nagpilit sa atin na manatili dito sa bahay at ang nagpilit sa atin na ang karamihan sa gagawin natin ay dapat sa online nalang sa halip na masayang harap-harapang magkikipag-ugnayan sana. 

    


    Itong virus na ito ay nakaapekto ng maraming tao sa buong mundo. Ito ay nagbigay ng mga mangagawa at mga employado ng kahirapan sa trabaho. Ilan sa atin ay nahihirapan na umangkop sa bagong sistema, ang ilan din ay nahihirapang ayusin ang kanilang iskedyul at ilan din sa atin ang nawawala na talaga yung kanilang trabaho dahil sa covid.

   


    Pero sa mga taong walang alam tungkol sa covid, ang maikling buod tungkol nito ay ito ay isang sakit na sanhi dahil sa SARS-CoV-2 virus. Ito ay nagsimula mula sa china at kumalat sa buong mundo dahil sa harap-harapang na pagkikipag-ugnayan. 



    Ang mga sintomas na makukuha mo dito ay lagnat, sip-on, ubo, kapagoran, pagwawala ng lasa o amoy, sakit sa lalamunan at sakit ng ulo. May posible din na may makukuha din kayong sintomas na kagaya ng irratadong mata, pagtatae at problema sa balat o kuko.


Mga impormasyon tungkol sa vaccine


    Alam ko din na karamihan sa inyo ay may alam tungkol sa vaccine, ito ay isang uri ng lunas at pag-iwas sa virus pero posible pa din na makukuha mo yung covid kahit nakavaccine ka. Ang nakakaganda sa vaccine ay ito ay nagbibigay ng proteksyon sa atin katawan. May iba't ibang klase ng vaccine kagaya ng pfizer, moderna, janssen, astrazeneca at marami pa. Itong vaccine ay nakakatulong sa atin sa pag-aaway natin laban sa covid.



    Pero ito yung bagong problema, kamakailan lang ay may bagong variant ng corona virus, tinawag itong omicron. Ang sabi ng mga balita ay ang mga vaccine raw ay walang laban dito. Itong bagong variant ang galing sa Timong Africa at kumalat na siya sa Israel, Hong Kong, Belguim at sa Botswana. Ito din ay nagsisimula na siya na nagkalat sa Europa. 



    Dahil dito, maapekto nanaman ang mga iba't ibang tao sa buong mundo. Karamihan ng mga bansa ay naghahanap ng paraan upang maiiwasan ang pagkalat nito. Karamihan ng mga bansa ay iniwasan muna ang mga transportasyon ng mga tao at nagkanseladong ng mga flight. Dahil dito ang mga tao lalo na yung mga OFW na nandoon sa ibang bansa ay naapekto, hindi sila makakabisita sa kanilang mga pamilya, kalungkutan at pagdudusa ng mga pamilya na hindi na nila makikita ang kanilang pamilya. Kahit na ganun naman yung problema ay dapat uunahin muna ang kaligtasan ng lahat bago ayusin yung ibang problema ng iba.



    Ang mundo ngayon ay napakapanganib, may maraming problema at maraming pagkakamali. Pero tayo lahat ay lalaban upang tayo lahat ay mabubuhay. Tayo ay dapat magtutulungan bilang isa. Isa sa magagawa natin upang maiiwasan natin ang panganib ay ang pagsusunod sa patakaran kasi sila ang may impormasyon tungkol sa virus na ito at alam nila kung gaano kapanganib ito. 



    Bukod din niyan ay dapat iwasan natin muna ang mga harap-harapang pagkikipag-ugnayan lalo na sa ibang tao na hindi mo kilala, kapag lalabas ay wag mo kalimutin magsuot ng face shield at face mask para mas magiging ligtas ka, dapat din tayo magsocial distancing sa mga tao, at dapat tayo lahat din ay tuloy-tuloy magsasanitize sa ating katawan upang maiwasan ang mga sakit. 




Comments

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Yes, we should be careful and aware about what's been happening around the world

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you for your time and thank you for agreeing with me ❣️

      Delete
  3. People should take this more seriously.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I agree with you! Thank you for taking your time to read this ☺️✌️

      Delete

Post a Comment

Popular Posts