Ang Aking Natutunan Ko Mula Sa Sharing


    


    Nagkaroon ako at ang mga kaklase ko ng sharing ukol sa aming maling pagpapasya. Pinaghiwalayan kami ng kagrupo sa iba't ibang zoom classrooms. Nahihiya ako nung pinagusapan kami tungkol sa isang talakay na merong pagkapersonal. Lalo na na nagkikipag-usap ako ng personal ng bagay sa mga taong hindi ko masyadong pinagkatiwalaan. Hindi ito naging madali para sa akin na mag-usap sa kanila kasi maaaring ito makakasira o hindi makakasira sa aking reputasyon. 




    Noong ako yung pinag-usap tungkol sa aking maling pagpasya ay may karamdaman akong kahihiyaan, kasalanan, pag-unawa at pagtatanggap. Kahihiyaan dahil inamin ko sa kanila yung kasalanan ko. Kasalanan dahil alam ko na mali yung ginawa ko. Pag-unawa dahil alam ko na mali yung ginawa ko at natunan ko ang aking leksyon at pagtatanggap dahil ginawa ko na siya at alam ko naman na hindi akong perpekto na tao, ang lahat ng tao ay may nagawang kamalian. May pagkahalo yung mga naramramdaman ko nung araw na iyon. Ito ay isang araw na mahirap kalimutin at isang araw na nalaman ko ang nagawang kamalian sa aking mga kaklase noon.




    Ang natutunan ko dito ay minsan mabuti na malaman at masabihan mo ang maling pagpapasya mo dahil ito ay nagbibigay ng kaunawaan at kaalaman sa kanila. Malalaman nila na tinangap mo na nagkamali ka at dahil dun, alam nila na gusto mo magbago at gusto mong maging mas mabuting tao. Tayo lahat ay imperpekto, tayo ay may pagkakaibang katangian at pananaw sa buhay. May kamamalian tayo pero maayos din natin ang ating nagawang kamamalian. Ang ibang kamalian ay hindi madaling ayusin pero pagdating sa tamang oras ay maaayos na ito. Kung ibubuod ko ang lahat ng sinabi ko ay natutunan ko na tumanggap, mag-amin, maging tapat, magpatawad at mag-unawa.









Comments

Popular Posts