Pursuit to Happiness
Pursuit to Happiness
ni Lyzel Kate Gabaca
I.
PANIMULA O INTRUDUKSIYON
·
Itong pelikula na ito ay batay sa isang totoong buhay tungkol
sa isang tatay mula sa San Francisco noong 1981. Ang direktor ng pelikula na
ito ay si Gabriele Muccino at ipinalabas ang pelikula na ito noong March 14,
2007. Ang thema nito ay tungkol sa pamilya, sa pagmamahal at tungkol sa pagdudusa
ng isang tatay na gustong magkaroon ng pera upang makaahon at makuha yung
pinagarap niyang buhay.
II.
BUOD
·
Itong pelikula na ito ay tungkol sa isang tatay na si
Chris Gardner noong 1981 sa San Francisco na nagpakikibaka dahil sa kaniyang
mga bagay na dapat gawin upang makaahon. Si Chris Gardner ay isang sales representante
ng mga bone-dentisy scanners na gusto niya ibenta sa mga doctor sa ospital,
kaso itong bone-density scanners ay hindi masyadong kinakailangan ng mga doctor
kaya nagdudusa siya sa pagkukuha ng pera para sa kaniyang pamilya.
·
Ang kanyang asawang babae na si Sherry Dyson ay umiwan
sa kanilang pamilya dahil sa mga isyung nangyayari sa kanilang pamilya kaya si Chris
ay naging isang single father para sa kaniyang anak. Naging expelled si Chris
Gardner at ang kanyang anak mula sa kanilang bahay, wala na sila matitirahan
palagi silang naghahanap ng tamang lugar upang makakatulog at upang makakaahon.
· Naging desperado si Chris Gardner, inaasahan niya na sana sa huli ay mas magiging maganda ang kanilang buhay. Umaply ng intership si Chris Gardner sa isang stock brokerage firm at mula sa 20 mga taong na gusto magapply ng full time job doon, siya ang napili dahil sa kaniyang determinasyon at sa pagiging masipag niya. Sa huli, nakagawa siya ng sarili niyang multimillion-dollar kumpanya brokerage firm at hindi na nagdudusa si Chris Gardner at ang kaniyang anak.
III.
PAGSUSURI
·
Itong pelikula na ito ay nakakainspire at nagbibigay
ng mensahe na hindi tayo dapat mag-iisip ng mga negatibong mga bagay sa buhay.
Dapat hindi tayo susuko at dapat subukan natin ang ating makakaya upang maaabot
natin ang ating pangarap at layunin sa ating buhay.
·
Nakakaiyak at nakakalungkot ang kwento na ito at alam ko
na ito ay batay sa isang totoong buhay. Naging masaya ako noong nagiging matagumpay
at masaya sila sa huli dahil nararapat ito sa kanila dahil sa kanilang determinasyon.
IV.
KONKLUSIYON
·
Itong pelikula ay nakakalungkot, nakakaiyak, nakakainspire
at nakakabigay ng pag-asa sa buhay. Madami kang matutunansum tungkol sa buhay sa
pelikula na ito at makikita mo na hindi madali ang pag-ahon sa buhay. Ang napaikita
sa pelikula na ito ay pagkakaroon ng determinasyon, ang pagiging masipag at ang
pagiging magpamahal kahit ano man mangyari.
Gabay na Tanong:
1. Ano ang kahulugan ng tungkulin batay sa pelikula?
-Ito ay batay sa responsiblidad at obligasyon natin. Kailangan inasasaisip natin na ang tungkulin ay tungkol sa kung anong dapat at kailangan natin gagawin sa buhay. Ito ay parang isang gabay upang malaman natin ang ating tungkulin sa buhay.
2. Sa iyong palagay, maari bang gamitinng batayan ang paghuhusga mabuti at masamang kilos batay sa tungkulin?
-Oo, dahil ito ay isa sa mga kilos na tumutukoy na kung sino sila. Ito ay isang bahagi ng kanilang katangian at kung ano sila na pagkatao.
3. Bakit itinuturing na mataas na pagpapahalaga ang kabutihang gawi sa kapwa?
-Dahil ang ugali mo ay isang katangian na nakakaapekto sa mga mamimili.Kung masama ang iyong gawi, masama din ang mga tingin ng mga mamimili sa iyo. Kung kabutihan naman ang iyong gawi ay mabuti din ang mga tingin ng mga mamili sa iyo. Kaya, dapat tayo ay magiging positibo palagi.
4. Anong salik ang nakakaapekto sa kilos na ama sa pelikula?
-Ang salik na nakaapekto sa kilos ng ama ay ang kaniyang determinasyon at ang pagsisikap. Kahit na maliit lang at mahirap ang kaniyang trabaho ay hindi siya sumuko hangang naging matagumpay siya. Ipinikita niya na siya ay isang mabuting ama at responsable na tao kaya ang salik nito ay naging kabutihan.
Comments
Post a Comment