"Ang Kalayaan Ay Ang Karapatang Maging Ikaw"
Ano ang tunay na Kahulugan ng Kalayaan?
Ano ang tunay na kahulugan ng kalayaan para sa
akin? Ang kalayaan ay isa sa mga bagay na dapat makukunin natin. Ito ay isang
importante at mahalagang bagay na dapat meron tayong lahat. Hindi sa lahat ng
oras na may kalayaan tayong pumili at magdesisyon, dahil sa mga ibang tao na
nasa paligid natin. Karamihan ng tao ay may karanasan nito lalo na kung
nakatira ka sa iyong pamilya.
Bilang isang taong nakatira sa bahay ng nanay ko, palagi kong hiniling na gawin ito at iyon. Lalo’t na na ako lang yung isang anak ng nanay ko. Dahil dyan, ang nanay ko ay sobrang mahigpit at sobrang protective sa punto na kahit saan ako, palagi siya nandiyan. Sa CR kung nagliligo o umihi ako, sa kwarto, sa online klase, kahit na sa kasama kong mga kaibigang babae noon. Sa totoo lang, halos wala na akong mga totoong kaibigan at halos nawawala na akong mapagpipilian na malapitan dahil karamihan sa kanila ay natatakot sa nanay ko. Pinipilit ako sa mga bagay na di gusto dahil gusto niyang maging maayos lahat.Gets ko naman na dahil sobra niya akong mahal at gusto niyang ligtas at protektado ako, kaso lang sumosobra na paminsan-minsan.
Ang kalayaan na gusto kong
makamit ay ang karapatang magkaroon ako ng privacy. Gusto ko na may karapatan
akong magkaroon ng desisyon para sa aking sarili, gusto ko na magtiwala yung
nanay ko sa akin. Kasi hindi na ako bata, nais kong magkaroon ng ilang mga
karapatang na magagawa ko ng malaya. Balang araw, magkaroon sana ako ng
kalayaan sa pamilyang ito. Ayoko na palaging akong pinipilit, ayoko na na siya
ang palaging nagdedesisyon sa buhay ko, ayoko na maging isang tao na hindi ako at
ayoko na palagi niya ako sinusudan kahit saan. Gusto ko lang ng kalayaan.
"Ang Kalayaan Ay Ang Karapatang Maging Ikaw"
Link of Pic: https://www.hipwee.com/list/reasons-why-you-should-be-happy-with-being-yourself
Comments
Post a Comment