Ang pagiging tao o pagiging makatao?

        
    Tayong lahat ay maguluhan sa pagitan ng pagiging tao o pagiging makatao. Para silang magkakatulad ngunit magkakaiba din sila. Pareho silang naglalarawan sa atin bilang isang tao sa mundong ito.

Credits to the pic: https://chenelasblog.wordpress.com/2016/06/19/humanity/

    
    Ang pagiging tao ay kung paano tayong lahat mabubuhay. Ang pagiging tao rin ay nangangahulugan na lahat tayo ay nag-iisip at may damdamin. Ang pagiging tao ay nagpapakita na kung ano tayo at anong mga ginagawa natin sa buhay. 

Credits of the pic: https://www.yesmagazine.org/opinion/2020/03/18/coronavirus-wake-up-call

         Ang pagiging makatao ay ang personalidad natin, ang kung anong pakiramdam/reaksyon natin sa mga sitwasyon. Ang pagiging makatao ay tumutukoy sa kung paano natin nais mabuhay, kung ano ang gusto natin makamit sa buhay. Ito rin ay tumutukoy sa kung anong responsibilidad ang ginagawa natin. Ang pagiging makatao ay ang kung sino tayo sa buhay at ang anong mga layunin natin.

Credits of the pic: https://www.shutterstock.com/search/personalities+cartoon

    
        Ang pagiging tao at pagiging makatao ay parehong mahalaga para sa atin, kaya ang karamihan sa atin ay naguguluhan. Pero para sa akin mas gusto ko ang pagiging makatao, at bakit? Dahil ang pagiging makatao ay kung sino tayo, ang kung sino ako. Para lang ang pagiging sarili ko. Palagi akong nagpapakita kung sino ako at mahal ko ang sarili ko. Marami din akong layunin sa buhay at gusto ko itong makamit. Gusto ko na mas magiging maganda yung buhay ko kaya't pinili ko yung pagiging makatao. 

Credits to the pic: https://impoff.com/importance-of-humanity/


                            
    Eh kayo, anong pipiliin niyo? Ang pagiging tao o pagiging makatao? 




Comments

Popular Posts